^

Bansa

P2.606 T budget aaprubahan ngayon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng pag-alma ng mga militanteng kongresista, tiniyak ng Kamara na maaprubahan na ngayong araw ang P2.606 trillion na 2015 national budget.

Ayon kay House Majo­rity leader Neptali Gonza­les, hindi na niya kailangan pang suotin ang kanyang magic barong para maaprubahan sa third reading ang 2015 General Appropriation Act (GAA).

Binalewala rin ni Gonzales ang bantang pag-akyat sa Korte Suprema nina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate kung hindi muna pagde­debatihan ang 269 pages na errata bago maaprubahan sa third reading.

Paliwanag nito, wala siyang nakikitang dahilan para ipetisyon ito sa Korte Suprema dahil dumaan sa tamang proseso ang mga amyenda sa budget at aprubado ito ng maliit na komite na binigyan ng otorisasyon ng Kamara.

Giit pa ng majority leader, ang makapal na errata ay hindi lamang nakapaloob sa Department of Budget and Management (DBM) kundi nakapaloob na rin dito ang mga pagbabagong isinusulong ng mga kongresista sa deliberasyon sa House Appropriations Committee at sa plenaryo bago ang pag apruba sa second reading.

BAYAN MUNA REPS

CARLOS ISAGANI ZARATE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

GENERAL APPROPRIATION ACT

HOUSE APPROPRIATIONS COMMITTEE

HOUSE MAJO

KAMARA

KORTE SUPREMA

NEPTALI GONZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with