2,000 tauhan, ikakalat ng MMDA sa Nov. 1

MANILA, Philippines – Inalerto  na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang pwersa kasabay nang pagpapakalat sa mahigit 2,000 tauhan sa  araw ng  Undas.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, magdi-deploy ng mga MMDA personnel sa mga sementeryo at ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila para magmantina ng daloy at kaayusan ng trapiko at tumulong din sa pulisya para sa pananatili ng peace and order.

Kabilang sa 2,000 tauhan ay mga medical team na magbibigay ng medical assistance sa mga kababayan na magtutungo sa mga sementeryo.

Samantala, kahapon ay nagsimula na ring magsagawa ng cleaning operation ang pinagsanib na pwersa ng MMDA at mga Local Government Unit (LGUs) sa ilang pangunahing sementeryo sa Kalakhang Maynila.

Inalerto naman ng NCRPO  ang kanilang pwer­sa para naman sa pagmamantina ng seguridad sa loob at labas ng mga sementeryo.

Ayon sa tanggapan ni NCRPO Director, General Carmelo Valmoria, mag­dadagdag sila ng pwersa at magpapakalat ng mga police personnel sa mga sementeryo  para naman magpatupad ng mahigpit na seguridad.

Show comments