Fingerprints, laway ni Pemberton nais ng pamilya ni Laude
MANILA, Philippines – Hiniling ng pamilya ng biktimang si Jeffrey “Jennifer” Laude sa Olongapo City prosecutor's office na sumailalim sa “booking process” ang suspek na si US marine Joseph Scott Pemberton.
Naghain ng mosyon ang pamilya Laude upang ipa-subpoena si Pemberton upang makadalo sa Nobyembre 5 at sumailaim sa pagpapakuha ng fingerprints at laway para sa DNA test.
Ayon sa abogado ng pamilya ay hindi pa natatapos ng Philippine National Police ang kanilang imbestigasyon kay Pemberton dahil nasa kustodiya pa ito ng US government kahit nakapiit ito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
"Pfc. Pemberton has yet to undergo standard booking procedures, so that police investigators have not been able to lift fingerprints from him-- a procedure that is de rigueur for police investigations across many jurisdictions around the world," nakasaad sa mosyon.
“Important physical evidence need to be gathered for DNA testing, to determine whether there is in fact, such evidence to establish - at the very least - respondent's presence in the scene of the crime."
Inilipad gamit ng isang helicopter si Pemberton kahapon mula sa barko patungong Camp Aguinaldo kung saan isang air-conditioned na kwarto ang kanyang magiging piitan.
- Latest