Aman Futures scam mastermind pinalaya sa Malaysia

MANILA, Philippines — Pinalaya ng isang korte sa Malaysia ang itinuturong mastermind sa P12-bilyon investment scam na si Manuel Amalilio, habang ibinasura rin ang kahilingang ibalik sa Pilipinas ang suspek.

Ayon sa ulat ng Borneo Post, pinawalang sala kahapon si Amalilio na may Malaysian name na Mohammad Kamal Sa'aid ng isang korte sa Kota Kinabalu para sa kasong “fugitive criminal in custody.”

Kaakibat ng desisyon ni Judge Ainul Shahrin Mohammad na palayain si Amalilio ay ang pagbabasura ng kahilingan ng Pilipinas na makuha ang kustodiya ng suspek.

Nahaharap sa kasong syndicated estafa  si Amalilio sa Pilipinas dahil sa panloloko sa 15,000 Pilipino noong 2012 gamit ang kanyang kompanyang Aman Futures Group.

Nangako ang Malaysia na makikipagtulungan sa Pilipinas na maibalik si Amalilio sa Maynila upang harapin ang mga kaso.

Show comments