Mga 75 anyos sa QC bibigyang parangal
MANILA, Philippines - Bibigyang parangal ng QC government ang mga residente na may edad 75-taong gulang bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-75 founding anniversary ng lunsod ngayong Oktubre.
Sa nilagdaang ordinansa ni QC Mayor Herbert Bautista na iniakda ni 4th district Councilor Raquel Malangen, kinikilala nito ang mga taga QC na nasa edad 75 dahil sa malaking naiambag sa lokal na pamahalaan sa paghubog ng komunidad na ginagalawan.
Ang mga “recipient diamond celebrants,” ay tatanggap ng cash incentive na P7,500 mula sa lokal na pamahalaan. Ang mga taga QC naman na ngayong Oktubre magiging 75 years old ay tatanggap ng P5,000.
Tatanggap din ang mga “recipient diamond celebrants” at “recipient celebrants” ng plake o certificate of recognition sa gagawing flag ceremony o anumang historical program sa lunsod.
- Latest