Expired relief goods sa Albay

MANILA, Philippines – Iniutos kaagad ni Pa­ngulong Aquino sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na palitan ang nadiskubreng mga expired relief goods na ipinadala sa mga evacuees sa Bicol.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, 33 food packs lamang daw naman ang natuklasang may mga damaged mula sa 22,350 food packs na ipinadala ng DSWD sa Bicol.

Magugunita na natuklasang inuuod at bulok ang mga food packs na ipinadala ni DSWD Sec. Dinky Soliman para sa mga evacuees sa Bicol dahil sa inaasahang pagputok ng Mayon volcano.

Inutos na rin ni Sec. Soliman ang imbestigas­yon kaugnay na natuklasang mga damaged food packs na ipinadala sa Bicol.

Show comments