^

Bansa

‘Ompong’ pinaka malakas na bagyo ngayong 2014

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagamat wala pang direktahang epekto sa bansa ang bagyong Ompong, itinuturing naman ng Pagasa na ang bagyong ito ang pinaka malakas na bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong taon.

Ito ayon sa Pagasa ay dulot ng dala nitong hangin na sobrang lakas kung ikukumpara sa bagyong Glenda at Neneng.

Alas-10 ng umaga, si Ompong ay nasa layong 1,080 kilometro silangan ng Tuguegarao City taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 215 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 250 kilometro bawat oras.

Si Ompong ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 9 na kilometro bawat oras.

Ang naturang bagyo ay inilagay na ng Pagasa bilang super typhoon o nasa Category 4 tropical cyclone at inaasahan na mananatili ito sa kanyang direksiyon at hindi magla-landfall sa anumang bahagi ng bansa.

Gayunman, patuloy na pinapayuhan ng Pagasa ang publiko na mag-ingat at maghanda sa anumang panganib na dadalhin ni Ompong sa ating bansa.

BAGAMAT

GAYUNMAN

GLENDA

NENENG

OMPONG

PAGASA

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

SI OMPONG

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with