^

Bansa

Mayon nag-iipon ng lakas para sa malakas na pagsabog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na nag-iipon ng lakas ang bulkang Mayon sa Albay, Bicol para sa inaasahang pagsabog nito anumang oras mula ngayon.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakapagtala ng 7 rockfall events ang bulkan sa nakalipas na 24 oras bukod sa pagkakaroon nito ng mahina hanggang sa katamtamang pagluwa ng kulay puting usok.

Bagamat walang na­mataang crater glow sa bulkan sa nakalipas na magdamag, nakapagtala naman ito ng pagluwa ng asupre na may 308 tonelada.

Nananatili namang nasa alert level 3 status ang Mayon na nanga­ngahulugan na ang magma ay nasa bunganga na ng bulkan at nalalapit na ang pagsabog nito anumang araw mula ngayon.

Patuloy na ipinagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa 6 kilometer danger zone at 7 kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa paligid ng bulkan upang makaiwas sa peligro na maaaring idulot sa sinuman ng naturang bulkan.

ALBAY

AYON

BAGAMAT

BICOL

EXTENDED DANGER ZONE

MAYON

NANANATILI

PATULOY

PHILIPPINE VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with