^

Bansa

Paggasta ng P6B sa aarkilahing generator sets binira ng POWER

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binatikos kahapon ng consumer group na People Opposed to Unwarranted Electricity Rates (POWER) ang pahayag ni Energy Secretary Jericho Petilla na malamang gumasta ang pamahalaan ng P6 na bilyon sa pag-arkila ng generating sets para mapunan ang tinatayang magiging kakulangan sa  suplay ng kur­yente sa susunod na taon.

Sinabi ni POWER Convenor Teddy Casiño na mas makakabuti magtayo ang pamahalaan ng sarili nitong planta ng kuryente na paaandarin bilang public utility.

“Nakakatawa na gagastahin ng pamahalaan ang P6 bilyong pera ng mga taxpayer sa pag-arkila ng bunker­ o diesel generator na magpapataas lang sa singil sa kuryente. Dagdag na pabigat sa mga taxpayer at konsyumer,” sabi ni Casiño.

Sa halip na bigyan ng emergency power ang Presidente sa pakikipagkontrata sa mga pribadong kumpanya para sa dagdag na suplay ng kuryente, sinabi ng POWER na dapat payagan ng Kongreso ang pamahalaan sa pamamagitan ng National Power Corporation na magtayo ng solar at iba pang indigenous at renewable energy plants na patatakbuhin bilang mga public utilities sa susunod na 20 hanggang 30 taon.

“Sa loob lang ng anim na buwan ay maitatayo na ang solar power plant. Magagawa ito ng Napocor kahit naghahanda ito sa pagbili ng mas matatag na baseload plants tulad ng hydroelectric at biomass plants. Ang maganda rito, magiging isa itong state-owned utilities na magbibigay sa mamamayan ng mura at malinis na kuryente sa susunod na dalawa hanggang tatlong dekada,” diin ni Casiño. “Kabaligtaran ito ng nais ni Petilla na maglustay tayo ng P6 na bilyong magpapataba sa pitaka ng paborito nilang supplier kahit masakripisyo ang mga taxpayer at consumer.”

BINATIKOS

CASI

CONVENOR TEDDY CASI

DAGDAG

ENERGY SECRETARY JERICHO PETILLA

NATIONAL POWER CORPORATION

PEOPLE OPPOSED

UNWARRANTED ELECTRICITY RATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with