Phl peacekeepers pinarangalan sa katapangan vs Syrian rebels

Isang heroe’s welcome parade ang isinalubong ng Armed Forces of the Philippines at mga estudyante para sa mga Pinoy peacekeepers na nakipaglaban sa Syrian rebels sa Golan Heights. (Boy Santos)

MANILA, Philippines - Ginawaran kahapon ng medalya ng karangalan ang Pinoy peacekeepers na nagpamalas ng kagitingan sa paki­kipagbakbakan sa Syrian rebels sa Golan Heights noong Agosto.

Ang 344 Pinoy troops ay bahagi ng 7th Philippine Contingent na binig­yan ng hero’s welcome sa Malacañang at Camp Aguinaldo matapos na bumalik na sa bansa  noong Setyembre 19 at 21.

Nag-ugat ang standoff matapos tumangging sumuko ang Pinoy troops at ibigay sa Syrian rebels ang kanilang mga armas sa kabila ng kautusan ng naduwag na si UNDOF Commander Iqbal Singh Singha noong Agosto 28-30.

Naisagawa naman ang greatest escape ng Phl peacekeepers na naka­bantay sa Position 68 doon noong Agosto 31 pasado ala-1 ng ma­daling araw.

Binigyan ng Dis­tinguished Service Medal si UNDOF Chief of staff Col. Ezra James Enriquez at Contingent Commander Lt. Col. Ted Damusmog.

Pinagkalooban naman ng Gold Cross Medal sina Capt. Nilo Ramones, namuno sa ‘greatest escape’; 2/Lt. Larry Endozo, MSgt. Wilson Lagmay, Sgt. Alwin Cuyos, SSg. Leonardo Aboy, Staff Sgt. Andy Mejos, Staff Sgt. Ramil Bobiles at Corporal Joneve Acolicol na naka-deploy sa Position 68.

Excited naman ang mga Pinoy peacekeepers sa bagong mission na iniatang sa kanila ng AFP at ito ang pagbibigay seguridad kay Pope Francis sa Enero 2015.

Ayon kay Contingent Commander  Damusmog, magiging kakaiba at isang malaking hamon ang bagong misyon sa pag-secure sa Santo Papa.

Si Damusmog ang magsisilbing pinuno ng security force na hahawak sa seguridad ng Santo Papa.

Show comments