Pangilinan magigisa sa Senate hearing

MANILA, Philippines -  Posibleng magisa si Presidential Assistant For Food Security Sec. Koko Pangilinan sa pagharap nito sa budget hearing ngayong umaga kaugnay sa kontrobersya na kinakaharap ng National Food Authority (NFA).

Ngayong umaga hihimayin ng Senado ang proposed 2015 budget ng Department of Agriculture gayundin ang budget ng NFA at Philippine Coconut Authority.

Bukod sa kontrobersya sa NFA matapos magbitiw nitong Biyernes si NFA Administrator Arthur Juan dahil umano sa health reason makaraang akusahan ng extortion ng isang rice trader, posibleng ungkatin din ng Senado ang tungkol sa cocolisap sa ilalim ng PCA.

Malamang maungkat din ang tungkol sa biglang pagtaas ng bawang, luya matapos payagan ng Bureau of Plant Industry ang importasyon ng ilang grupo.

 

Show comments