Junjun Binay binalewala ang subpoena ng Senado
MANILA, Philippines - Hindi muling dadalo sa pagdinig ng Senado si Makati City Mayor Junjun Binay ngayong Huwebes para sa imbestigasyon ng kontrobersyal na Makati City Hall II parking building.
Pumalag si Binay sa aniya'y pang-iipit sa kanila ng Senate Blue Ribbon Committee na nangangasiwa sa imbestigasyon.
"Panahon na para liwanagin at kwestyunin ang hurisdiksyon ng sub-committee at ng Senate Blue Ribbon committee mismo," wika ng alkalde.
May inihandang mosyon si Binay kung saan ipapadala niya ito ngayon sa Senado.
Kinukuwestiyon ni Binay ang jurisdiction ng Senado na naglabas ng subpoena para sa alkalde upang dumalo sa pagdinig.
Dagdag niya na hinatulan kaagad sila ng mga senador kahit hindi pa tapos ang imbestigasyon.
"The senators prejudged me and my family."
Nahaharap si Binay at ang kanyang ama na si Bise-Presidente Jejomar Binay sa kasong plunder dahil sa umano'y overpriced na "parking building."
Sinasabing kumita ng 13 porsiyento ang mga Binay sa bawat proyektonsa lungsod.
Mariing namang pinabulaanan ng nakatatandang Binay ang mga paratang at sinabing sinisiraan lamang siya para sa kanyang pagtakbo sa pagka pangulo sa 2016.
- Latest