SB pabor sa lifestyle check

MANILA, Philippines - Pinaboran ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na magkaroon din ng lifestyle check sa mga kongresista kasunod ng ginagawang lifestyle check sa PNP.

Ayon kay Belmonte, wala siyang tutol sa lifestyle check subalit aminado ito na hindi maaaring i-impose sa kahit sinong kongresista.

Wika pa ni Belmonte, kailangan ang lifestyle check sa mga kongresista na mayroong mga isyu ng iregularidad o katiwalian.

Subalit kung wala naman umanong isyu ang isang kongresista ay hindi na umano nararapat suriin ang uri ng pamumuhay nito.

Suportado naman nina Quezon City Rep. Bolet Banal at Cibac partylist Rep. Sherwin Tugna ang lifestyle check sa mga kongresista.

 

Show comments