^

Bansa

Info na na-recruit ang mga Pinoy ng ISIS ’wag balewalain

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi dapat balewalain ng gobyerno ang mga impormasyon na may mga Pilipinong nare-recruit at sumanib na sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Pinaalalahanan din ni House Defense Committee Chairman Rodolfo Biazon, na agad aksyunan ang nasabing impormasyon lalo na at ang mga report ay nagmula sa mga may kredibilidad.

Ang tinutukoy ni Biazon ay sina dating Pangulong Fidel Ramos at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na nagsabi na tinatayang mayroong 100 Pilipino na ang sumama sa ISIS.

Sakaling totoo umano ito ay malaking panganib kapag nakabalik ang mga Pilipinong ito sa bansa dahil pag-uugatan na naman ito ng bagong teroristang grupo.

Inihalimbawa ni Biazon ang nangyari sa Abu Sayyaf Group na nabuo matapos itong i-recruit ng CIA noong 1979 para sumama sa Afghan war laban sa Russians.

Dapat din umanong irekonsidera ng gobyerno na mismong isang counter-terror expert na rin ang nagsabi na ang ISIS ay matagal nang may impluwensiya sa bansa.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BIAZON

DAPAT

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

HOUSE DEFENSE COMMITTEE CHAIRMAN RODOLFO BIAZON

INIHALIMBAWA

ISLAMIC STATE OF IRAQ AND SYRIA

PANGULONG FIDEL RAMOS

PILIPINO

PILIPINONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with