Pinas ’di lulusubin ng China - PNoy
MANILA, Philippines - Naniniwala si Pangulong Aquino na hindi lulusubin ng China ang Pilipinas dahil lamang sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang binigyang-diin ng Pangulo sa pagdalo nito sa isang forum sa French Institute for International Relations kung saan ay nakasentro ang usapin sa Climate Change at West Philippine Sea dispute.
Sinabi ng Pangulo na wala siyang nakikitang logic para lusubin ng China ang Pilipinas dahil sa nasabing territorial dispute.
Dagdag pa ni PNoy, sakaling giyerahin ng China ang Pilipinas ay walang kalaban-laban ito subalit positibo ang Pangulo na hindi ito Gagawin ng China bagkus ay maaayos ang sigalot sa pamamagitan ng diplomatikong pamamaraan.
Suportado ng European leaders ang hakbang ng Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea na daananin sa diplomatikong pamamaraan ang paghahanap ng solution dito.
- Latest