^

Bansa

Binay: Ebidensya sa Makati parking building mahina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iginiit ni Vice President Jejomar Binay nitong Huwebes na hindi tatayo sa korte ang mga ebidensyang lumulutang sa pagdinig ng Senado sa umano'y overpriced na Makati City Hall parking building.

Sa isang televised na pahayag, sinabi ni Binay na ang mga akusasyong ibinabato sa kanya kaugnay ng naturang gusali ay atake ng kanyang kalaban sa politika.

Lumutang ang alegasyong nagkapera si Binay sa pagpapatayo ng parking building matapos niyang opisyal na kumpirmahing tatakbo siya sa pagkapangulo sa halalan sa 2016.

"Wala sa mga pinangangalandakan nilang testimonya ang tatayo sa isang hukuman ng batas. At dahil hindi tatayo sa hukuman ng batas, ipinalalabas na lang nila sa mala-circus na pagdinig sa Senado," ani Binay.

May kaso nang pandarambong ang isinampa laban kay Binay at sa kanyang anak, ang kasalukuyang alkalde ng Makati City na si Erwin Binay.

Ang mga nagsampa ng kaso at resource persons na kinuha ng Senado sa mga pagdinig nito ay ang mga talunang kalaban ng mga Binay sa politika.

Sa kanyang talumpati, binanatan din ni Binay sina Senador Alan Cayetano at Antonio Trillanes IV dahil sa kanilang mga ikinikilos sa mga pagdinig ng Senado.

"Sa aking mga katunggali, iangat natin ang antas ng pamumulitika... Tigilan na natin ang pagsisinungaling at paninira sa kapwa. Humarap tayo sa isang malinis at patas na halalan," ani Binay.

Kamakailan ay nagpahiwatig na rin si Cayetano na tatakbo siya sa pagkapangulo sa 2016. May mga lumutang pang balita na ang magiging katambal niya sa pagtakbo ay si Trillanes bilang kanyang bise presidente.

ANTONIO TRILLANES

BINAY

CAYETANO

ERWIN BINAY

MAKATI CITY

MAKATI CITY HALL

SENADO

SENADOR ALAN CAYETANO

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with