Safe conduct pass ni Misuari at Umbra Kato kinontra

MANILA, Philippines - Kinontra kahapon ni Sen. Teofisto Guingona III ang panukalang bigyan ng safe conduct pass sina Moro National Liberation Front (MNLF) chief Nur Misuari at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) leader Ameril Umbra Kato upang makadalo sa deliberasyon ng Kongreso tungkol sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Ayon kay Guingona, walang taong mas mataas sa batas o “no one is above the law” at dapat managot ang mga nagkasala sa batas.

Sinabi ni Guingona na may mga warrant of arrest laban kina Misuari at Umbra Kato at hindi mga ordinaryong krimen ang ginawa nila sa bayan.

Malinaw aniya na malalabag ang Konstitusyon kung papayagang dumalo sa pag-uusap tungkol sa BBL sina Misuari at Umbra Kato dahil lalabas na mabibigyan sila ng special treatment.

Dahil mayroon aniyang warrant of arrest laban sa dalawa, ang dapat gawin ay i-serve ito upang mapagbayaran ng mga suspek ang  mga nagawang krimen.

Show comments