^

Bansa

P10B DAP funds nasaan?

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Marami umanong blangko, kulang sa de­talye at walang nakasaad na pangalan ng mga mambabatas na nakatanggap ng biyaya mula sa kontrobersiyal na P10.8 bilyong Disbursement Acceleration Program funds ang report na isinumite ni Department of Budget and Management Sec. Butch Abad sa budget hearing ng Kongreso.

Ito ang puna ni United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco na ikinadismaya ang kabiguan ni Abad na isumite ang kopya ng mga letter-request na natanggap nito kaugnay sa P10.8 bilyong DAP.

Humarap anya si Abad sa Kongreso nang hindi handa at hindi dala ang mga letter-request na hinihingi ni Tiangco.

Ayon kay Tiangco na isang kongresista ng Navotas, umaga pa lang ay nagsimula na ang kanilang plenary debates pero hindi isinumite ni Abad ang hinihinging dokumento. “Nang kuwestiyunin ko ang quorum, ipinasa ni Abad ang isang dapat sana ay report hinggil sa mga DAP release pero ang daming blangko at kulang ang mga detalye.”

Dito nagduda na si Tiangco dahil sa dami ng blangko at hindi rin nakalista ang halaga ng pera na ipinamigay sa mga mambabatas. Tinanggal din sa bawat item ng report ang pangalan ng mga kongresista.

Agosto 26 nang mag­padala ng liham si Tiangco para humingi ng detalyadong report ng DAP funds, tulad ng mga proyekto at mga pangalan ng mambabatas na nakinabang dito.

Dito rin ipinangako ni Abad na isusumite nito ang mga dukomento bago ang budget deliberaion sa September 15.

Mismong si Abad din umano ang umaming may mga kongresista at senador ang nabigyan ng DAP na nagkakahalaga ng P11 bilyon simula Oktubre hanggang Disyembre 2012.

ABAD

BUTCH ABAD

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT SEC

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

DITO

KONGRESO

SECRETARY GENERAL TOBY TIANGCO

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with