Cocolisap out, coco juice in
MANILA, Philippines – Iginiit ng Department of Agriculture (DA) na malaking tulong sa mga coco farmers ang bagong mechanization program ng ahensiya sa tulong ng Department of Science and Technology (DOST) kung saan ay magkakaroon sila ng dagdag kita, ayon kay Agriculture Sec. Proceso Alcala.
Ayon kay Sec. Alcala, sa pakikipagtulungan ng DA-Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization ng DOST ay magagamit ng mga coco farmers ang teknolohiya tulad ng compact corn mill na kanyang mag-proseso ng hanggang 250 kilo kada oras at makina namang kayang mag-extract at magpalamig ng coco water.
Umaasa ang Malacañang na susuportahan din ito ng mga coco farmers sa ibang panig ng bansa upang maragdagan ang kanilang kita matapos na umatake ang mga cocolisap sa kanilang pananim.
“We strongly encourage and assist farmers to mechanize their production processes – from planting to harvesting – to increase efficiency, reduce postharvest losses and lower cost of production in the long run,” giit pa ng DA chief.
- Latest