Sec. Alcala kinilala sa naiambag sa rice retailers

MANILA, Philippines - Pinagkalooban ng pagkilala ng pinaka-malaking grains group si Agriculture Sec. Proceso Alcala kamakailan sa Iloilo City dahil sa ambag nitong tulong sa grupo ng mga rice retailers sa bansa.

Ayon kay Jaime Magbanua, pangulo ng Confederation of Grains Retailers Association of the Philippines (GRECON), kinilala ng kanilang grupo na binubuo ng 15 regional retailers association sa buong bansa ang naging tulong at suporta ni Alcala sa kanilang sector at sa sector ng pagsasaka.

Nagpasalamat naman si Alcala sa ibinigay na pagkilala sa kanya at siniguro ang walang-sawang pagtulong at pakikipag-koordinasyon sa GRECON para sa ikabubuti ng lahat sa sector ng agrikultura.

Bukod kay Alcala ay binigyan din ng pagkilala si dating NFA Administrator Orlan Calayag.  

Show comments