^

Bansa

Sa pagkamatay ng 7 BSU students field trips tigil muna

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkamatay ng pitong estudyante ng Bulacan State University (BSU) bunsod sa pagkalunod kaya hindi muna magsasagawa ng field trip ang lahat ng mga pa­aralan sa bansa.

Inatasan ng House Committee on Higher and Technical Education na pinamumunuan ni Pasig Rep. Roman Romulo ang lahat ng mga pampublikong paaralan mula ele­mentary hanggang college na ihinto muna ang mga outdoor educational activities o mga field trips hangga’t hindi pa nata­tapos at naisasaayos ang mga patakaran dito.

Inaprubahan din ni Romulo ang unanimous motion na pagkilala sa kabayanihan nila Sean Rodney Alejo at Mikhail Alcantara, mga estud­yante ng BSU, na nagligtas sa dalawa nilang kaklase sa kabila ng delikadong sitwasyon.

Tiniyak naman ni BSU President Dr. Mariano de Jesus na may mananagot sa nangyaring insidente. 

Nilinaw ng komite at ng CHED na kahit pa kumuha ng organizer ang paaralan para sa field trip o iba pang aktibidad, nananatiling responsibilidad ito ng eskwelahan.

 

BULACAN STATE UNIVERSITY

DAHIL

DR. MARIANO

HIGHER AND TECHNICAL EDUCATION

HOUSE COMMITTEE

MIKHAIL ALCANTARA

PASIG REP

ROMAN ROMULO

SEAN RODNEY ALEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with