MANILA, Philippines - Ipinagpaliban ng Sandiganbayan 5th division ang pagdinig sa hirit ng prosekusyon na mailipat sa BJMP jail sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Sen. Jinggoy Estrada mula sa kulungan nito sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Ito ay makaraang hindi masagot ni Sr. Insp. Crisyrel Awe ng BJMP Legal Department ang ilang mga katanungan ng graft court hinggil dito.
Bunga nito, hindi nakumbinsi ang Sandiganbayan na ituloy ang pagdinig at sa halip ay nagdesisyon ang graft court na ipatawag si BJMP-National Capital Region (NCR) Director S/Supt. Romeo Vio upang siya ang sumalang sa pagdinig para siya mismo ang sumagot sa mga katanungan sa korte.
Una rito, mariing tinututulan ni Estrada na mailipat siya sa Camp Bagong Diwa dahil anya sa isyu ng seguridad.