NLEX ipapangalan kay Cory
MANILA, Philippines - Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na naglalayong palitan ang pangalan ng North Luzon Expressway (NLEX) bilang Cory Aquino Expressway.
Sa House bill 4820 na inihain ni Nueva Ecija Rep. Magnolia Rosa Antonino-Nandres, nais nitong ipangalan ang NLEX kay dating Pangulong Cory Aquino.
Paliwanag ni Nandres, naisip niya ito dahil wala pang nakatayong infrastructure na nakapangalan sa dating pangulo bukod dito may nakapagkwento din umano dito na tuwing pumapasok na sa NLEX si Cory pauwi sa kanilang lalawigan sa Tarlac ay nagsisimula na itong mag-rosaryo.
Bukod dito isang magandang paraan din umano ito para bigyang pagkilala si Aquino dahil sa ginawa nito sa Pilipinas.
Sa tingin naman ng mambabatas ay hindi makakasakit ng tao kung ipapangalan kay dating pangulong Aquino ang isang major expressway sa bansa bagamat umaasa ito na magkakaroon ng major opposition dito.
Ang panukala ay nasa committee level at nasa first reading na sa Kamara.
- Latest