SolGen Jardeleza bagong SC Associate Justice

File photo/PCOO

MANILA, Philippines — Hinirang na ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules si Solicitor General Francis Jardeleza bilang pinakabagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Pupunuan ni Jardeleza ang nabakanteng puwesto na iniwan ni Associate Justice Roberto Abad na nagretiro noong Mayo 22.

Si Jardeleza, na siya ring chief counsel ng Malacañang, ang ikalimang appointee ni Aquino sa hukuman.

Show comments