Magandang panahon hanggang Sabado – PAGASA

MANILA, Philippines – Asahan ang maaliwalas na panahon sa susunod na apat na araw dahil sa pag-iral ng high pressure area sa Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Martes.

Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging maaraw hanggang sa bahagyang maulap ang papawirin ng buong bansa hanggang Sabado.

Ngunit dagdag ng PAGASA na makarararanas pa rin ng pulu-pulong pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

Wala rin namang nagbabadyang bagyo ngayong linggo, ngunit may inaasahang dalawa hanggang tatlong bagyo ngayong buwan.

Pangangalanang “Kanor” ang susunod na bagyo.

Show comments