Bgy. tanod gagamitin sa trapiko
MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Buhay partylist Rep. Lito Atienza sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paggamit sa mga barangay tanod upang makatulong sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.
Ayon kay Atienza, hindi dapat maging katwiran ng MMDA na kulang sa tao dahil maaari naman nitong hingin ang tulong ng Local Government Units (LGUs) at Metro Mayors upang magamit ang may 2,000 barangay chairmen at mahigit sa 20,000 tanod upang maging bahagi ng kampanya upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Dapat na rin makipag-ugnayan si MMDA chairman Francis Tolentino sa DPWH upang agad na matapos ang mga ongoing projects na nagiging dahilan ng pagliit ng mga lansangan na mula sa dating 4 o 5 lanes ay nagiging 1 o 2 lanes na lamang.
Dapat din anyang mahigpit na ipatupad ng MMDA ang traffic rules and regulations lalo na sa Edsa at C5 gayundin sa iba pang maliliit na lansangan na nagsisilbing alternate routes.
Giit din ni Atienza na hulihin ang mga jeepneys at bus drivers na ginagamit na terminal ang mga pangunahing kalsada.
- Latest