^

Bansa

PNP hinikayat ng PROGun

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng grupong PROGun (Peaceful Responsible Owners of Gun) ang pamunuan ng Philippine National Police na makiisa sa ginagawang pagdinig ng Kongreso ukol sa mga problema ng kapulisan partikular na sa pagpapalisensya ng baril.

Ito’y dahil sa hindi pagdalo ni PNP chief, Director General Alan Purisima sa ginagawang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability partikular nitong nakaraang Martes na ikinaiinis na umano ng mga mambabatas.

Ayon sa PROGun, iniutos umano ng komite na mu­ling padalhan ng imbitasyon si Purisima upang masagot ang mga tanong nila.

“The absence of the Chief PNP, Gen. Alan Purisima was likewise questioned by the committee early in the hearing and it ordered that a new subpoena be issued thru DILG Secretary Mar Roxas that Gen. Purisima be required to personally appear at the next hearing of the Committee under pain of contempt,” ayon sa pahayag ng PROGun.

Isa-isang ginisa ng mga mambabatas ang mga opis­yal ng PNP at inatasan na magdala ng mga dokumento ukol sa ikalilinaw sa problema sa lisensya at “permit to carry” ng mga baril.  Nabatid na marami ring mga mambabatas ang apektado sa ipinatutupad na “centralization” ng aplikasyon ng lisensya ng baril ng PNP.

Sinabi pa ng PROGun na inirekomenda ng komite na bumuo ng “oversight” para amyendahan ang Republic Act 10591 upang i-“de-centralize” ang pagpapalisensya sa mga baril sa mga regional offices upang maging mas malapit sa mga tao.

 

ALAN PURISIMA

DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

GOOD GOVERNMENT AND PUBLIC ACCOUNTABILITY

HOUSE COMMITTEE

PEACEFUL RESPONSIBLE OWNERS OF GUN

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PURISIMA

REPUBLIC ACT

SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with