PNoy ‘di naghihiganti sa SC sa pagpabor sa Cha-cha
MANILA, Philippines - Itinanggi ng Malacañang na paghihiganti sa Korte Suprema ang dahilan sa pagiging bukas na ni Pangulong Aquino sa Charter Change.
Magugunitang sinabi ng Pangulo na nais nitong malimitahan ang labis na kapangyarihan ng Supreme Court (SC) dahil mistulang nasasapawan na raw nito ang Ehekutibo at Lehislatura.
Sinabi ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., walang ganitong intensyon o layunin ang Pangulong Aquino.
Ayon kay Coloma, hindi personal ang hangarin ng Pangulo at walang balak maging palaban o mang-away sa Korte Suprema.
Nabatid na idineklara ng Korte Suprema bilang unconstitutional ang Disbursement Accelaration Program (DAP) bagay na ikinagalit ni PNoy at nagbanta pang huwag nang hintaying makialam ang Kongreso.
- Latest