^

Bansa

DA unang umayuda sa Albay Reconstruction

BQuejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kauna-unahan si Agriculture Secretary Proceso J. Alcala sa mga sumuporta sa reconstruction ng Albay sa ilalim ng Plan for Albay Glenda Early Recovery and Reconstruction (PAGERR).

Dumalaw dito si Alcala at inihatid ang tulong ng DA na nagkakahalaga ng P6 million kabilang ang mahigit 1,000 sako ng certified rice seeds, limang (5) hand tractor, 9,000 pakete ng iba’t ibang binhing buto ng gulay, 9,000 pili seedlings, 185 sako ng hybrid corn seeds, 15 bag ng ‘open-pollenated variety corn seeds, 54 set ng mga garden tools at 1,000 laminated sacks.  Ang Albay ang pinaka-grabeng nabugbog at sinalanta ni Glenda.

Zero casualty o walang nabuwis na buhay sa Albay, subalit mahigit P9.1-bilyon pinsala ang iniwan lalo na sa agrikultura.

Pinuri ni Alcala ang Albay at PAGERR sa mabilis nitong pagkilos. Pinansin din niya na sa kabila ng malimit na pananalasa ng mga kalamidad sa lalawigan, masigla at tuloy-tuloy pa ring lumalago ang agrikultura nito.

Itinatag ni Albay Gov. Joey Salceda ang PAGERR matapos ideklara ang ‘state of calamity’ sa Albay.

Ayon kay Salceda, ang mabisang ugnayan ng Albay, DA at DENR ay naging daan upang sumulong ang produksiyon ng bigas at pagkain, at pagpapanumbalik sa forest cover ng lalawigan.

Sa pamamagitan ng PAGERR, natutulungan ang mga guro, empleyado na kasapi ng Pag-IBIG, GSIS, SSS at pati na mga pensiyunado sa Albay na nabibigyan ng mga pautang para sa pagpapaayos ng mga bahay. 

AGRICULTURE SECRETARY PROCESO J

ALBAY

ALBAY GLENDA EARLY RECOVERY AND RECONSTRUCTION

ALBAY GOV

ALCALA

ANG ALBAY

AYON

DUMALAW

JOEY SALCEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with