MANILA, Philippines - Maghahain ng ika-apat na impeachment complaint ang mga guro laban kay Pangulong Aquino sa Kamara ngayong umaga.
‘The complaint alleges that President Aquino violated his oath of office and broke the law by perpetuating the system of Congressional pork barrel despite the Supreme Court decision declaring it unconstitutional,’ ayon sa reklamo.
Pangungunahan nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio at Alliance of Concerned Teachers National Chairperson Benjamin Valbuena ang isasampang reklamo sa Kamara.
“We have strong evidence to show that Pres. Aquino is responsible for perpetuating Congressional pork despite the Supreme Court prohibition,” sabi ni Tinio.
Hindi naman nababahala si Pangulong Aquino sa pagsisimula ng pagdinig ng mga inihaing impeachment laban dito at tiwalang hindi ito magtatagumpay.
Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, mas makakabuting hintayin na lamang ang proseso sa Kamara na siyang inatasan ng Konstitusyon na duminig sa impeachment complaint.
Ipinaalala rin ng Palasyo na huwag kalimutan ng mga mambabatas na bigyan ng prayoridad ang mga mahahalagang panukala partikular ang nakahaing 2015 budget. (Dagdag ulat ni Rudy Andal)