^

Bansa

Kondisyon ni PNoy hiling isapubliko

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ng ilang kongresista ang Malacañang na isapubliko ang kon­dis­yon ng kalusugan ni Pangulong Aquino.

Ito ay matapos mag­karoon ng mga haka-haka ang publiko na baka may dinaramdam ang Pangulo matapos ma­ging emosyonal sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon, makabubuting malaman ng taumbayan ang estado ng kalusugan ni PNoy para matigil na ang mga espekulasyon.

Bukod dito dapat lu­mabas kung merong isyu sa kalusugan ang Pa­ngulo.

Paliwanag pa ni Biazon, hindi na dapat maulit pa ang nangyari noong panahon ni dating Pa­ngulong Ferdinand Marcos na itinago ang kanyang health condition.

Para naman kay Eastern Samar Rep. Ben Evardone, bagama’t karapatan umano ng lahat na malaman ang estado ng kondisyon ng Presidente, walang dapat ipangamba dahil nakikita naman ang Pangulo na gina­gam­pa­nan ang kanyang trabaho at patuloy itong nag-iikot para sa iba’t ibang aktibidad.

Matatandaan na no­­ong huling bahagi ng SONA ay parang namamaalam na si PNoy sa taumbayan.

BEN EVARDONE

EASTERN SAMAR REP

FERDINAND MARCOS

MUNTINLUPA REP

PANGULO

PANGULONG AQUINO

RODOLFO BIAZON

SHY

STATE OF THE NATION ADDRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with