^

Bansa

PNP nakatanggap din ng P4B sa DAP

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakatanggap rin umano ang Philippine National Police (PNP) ng P4 bilyon na pondo buhat sa Disbursement Acceleration Program (DAP) para sa modernisasyon nito sa kabila ng pagkakaroon na ng P72.8 bilyong pondo para sa taong 2013.

Matatandaan na idineklara ng Korte Suprema kamakailan na labag sa Konstitusyon ang DAP. 

Sa mga dokumentong nakalap buhat sa Department of Budget and Management (DBM), lumalabas na may pitong alokasyon para sa PNP. 

Sa “item 49”, naglabas ng P45 milyon para sa Department of Public Works and Highways na siyang magtatayo ng PNP Maritime Group Training Facility sa Mabini, Batangas. Ang pagpapatayo nito ay para umano “to enhance the rescue capabilities of the police force”.

Nasa P8.722 milyon naman ang inilaan sa “item 50” para sa konstruksyon ng PNP Crisis Action Force Building sa Camp Crame, Quezon City. 

Sa “item 57” nasa P115.556 milyon ang para sa implementasyon ng “P1,000 per capita/personnel” kada police station na ibinase sa Special Provision no. 8 Fiscal Year 2011 GAA RA 10147.

Sa “item 81” P100 mil­yon ang inilaan bilang pondong pagsuporta sa paglipat ng Department of  Interior and Local Government (DILG) sa bago nitong 30-palapag na gusali sa Quezon Ave­nue. 

P128.210 milyon naman sa konstruksyon ng 20 bagong police station at P860.705 milyon para sa pagtanggap ng mga bagong “non-uniformed personnel”, base sa item 82 at 110.

Pinakamalaki ang P2 bilyong inilaan sa PNP Moder­nization Prog­ram. Ang pondo ay gagastusin para sa “mobi­lisasyon, pagbili ng mga armas, gamit pang-komunikasyon at pagkumpuni sa mga istasyon ng pulisya.

Una nang ipinagtanggol ng pamahalaang Aquino na wala umanong masama sa pagpapalabas ng naturang pondo na laan para pabilisin ang paggasta para sa mga proyekto na nakatuon sa paglago ng ekonomiya.

 

CAMP CRAME

CRISIS ACTION FORCE BUILDING

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FISCAL YEAR

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with