^

Bansa

Palasyo naghain na ng mosyon sa SC vs DAP

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naghain na ang Palas­yo ng motion for reconsideration (MR) kaugnay sa desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Deputy Pre­sidential spokesperson Abigail Valte, isinumite nitong Biyernes ng hapon ni Solicitor General Francis Jardeleza ang kanilang apela.

Wala namang sinabi si Valte kung may bagong argumento ang Malacañang na posibleng maging basehan ng mga mahistrado para baligtarin ang nauna nilang desisyon sa DAP.

Sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) noong Lunes ay iginiit ni Pangulong Aquino na ang Section 49 ng Administrative Code of 1987 ang naging basehan ng Malacañang sa paglikha ng DAP na binalewala raw ng Supreme Court.

Kamakalawa ay tiniyak ni Communications Secretary Herminio Coloma na handang sumunod ang Palasyo sakaling panindigan ng SC ang nauna nilang pasya.

Nilinaw rin niya na hindi naghahamon si Pa­ngulong Aquino sa Korte sa isyu ng DAP at mismong ang Punong Ehekutibo ang nagsabing wala itong kimkim na galit at iginigiit lamang ang prinsipyo at paniwalang ginamit sa mabuti ang DAP.

Ito’y sa kabila ng pahayag ni Aquino sa kanyang President’s Address to the Nation (PAN) na dahil sa pasya ng SC ay posibleng magbanggaan ang sangay ng ehekutibo at hudikatura na kailangan pang makialam ang lehislatura.

ABIGAIL VALTE

ADMINISTRATIVE CODE

AQUINO

COMMUNICATIONS SECRETARY HERMINIO COLOMA

DEPUTY PRE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

KORTE SUPREMA

MALACA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with