^

Bansa

‘Glenda’ lumayas na, ‘Henry’ parating naman

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraang lumabas ng Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang bagyong Glenda na kumitil ng maraming buhay at sumira ng mga ari arian ay isa na namang sama ng panahon o Low Pressure Area (LPA) ang patuloy na minomonitor ng PAGASA at kapag tuluyang pumasok sa PAR ay tatawagin bagyong Henry.

Sinabi ni Fernando Cada, weather forecaster ng PAGASA, huling  namataan ang LPA sa  layong  970 kilometro sa silangan ng  Northern Mindanao.

Ayon kay Cada, masyado pang malayo sa bansa ang naturang LPA kayat wala pang makapagsasabi na ito ay magiging sinlakas ni bagyong Glenda. Bagamat maaari anya itong maging isang bagyo.

“Malayo pa itong LPA, hindi pa natin kinakikitaan ng anumang banta dahil sa mahina pa ang hangin nito kayat patuloy naming itong minomonitor sa kasalukuyan,” pahayag ni Cada.

Kung magbago anya ng lakas at direksiyon ang naturang LPA at maging ganap na bagyo ay tatawa­ging Henry.

 

AYON

BAGAMAT

CADA

FERNANDO CADA

GLENDA

LOW PRESSURE AREA

MAKARAANG

NORTHERN MINDANAO

PHILIPPINE AREA OF RES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with