Obrero nagbigti

MANILA, Philippines - Isang construction worker ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti dahil sa selos, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nasawi na si Noel Samantela, 27, stay-in sa Avon St., sa gilid ng Barangay Hall, North Fairview Subdivision, North Fairview sa lungsod

Ayon sa ulat ang nasawi ay  natagpuan ng kanyang hipag na si Victoria Sto Domingo  alas 6:10 ng umaga.

 Sinasabing pagpasok ni Sto Domingo sa kuwarto ng biktima ay nakita niya ang walang buhay na katawan nito habang nakahiga sa sahig. Mula rito, napuna rin ni Sto Domingo ang lubid na abaca na nakatali sa kisame ng bahay.

Sa imbestigasyon, sinabi ng kapatid ng biktima na si Marlo Samantela na nagsabi sa kanya ang una  na naghihinala ito na ang kanyang kinakasama ng pitong taon na mayroong kinalolokohang ibang lalaki. 

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) lumitaw sa cursory examination sa bangkay ng biktima nakitaan ito ng bakas ng tali sa kanyang leeg na indikasyon ng pagbibigti.

Gayunman, patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

Show comments