Target collections makakamit sa bagong programa ng BIR
MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ng Bureau of Internal Revunue (BIR) na makakamit nito ang kanilang target collections kasunod ng inilunsad nilang “resibo sa upa mo katumbas ay premyo”.
Sinabi ni BIR region 6 director Aracelli Francisco, positibo silang makakalikom sila ng karagdagang buwis mula sa inilunsad nilang programa.
Wika ni Francisco, ang programa ay kukumbinsi sa mga estudyante at professionals na umuupa sa mga dormitoryo sa buong Maynila na ihulog lamang ang kanilang resibo sa upa sa designated drop boxes sa lahat ng paaralan kapalit ang papremyo.
Dagdag pa ni Francisco, kahit hindi rehistrado ang resibo na kanilang natanggap mula sa kanilang inuupahang kwarto, bed space sa dormitoryo ay maaring isali basta ilagay lamang ang address at pangalan ng dormitoryo sa resibo gayundin ang kanilang pangalan at cellphone number.
Sa pamamagitan nito, malalaman ng BIR kung sinu-sinong dormitoryo sa Maynila ang hindi nagparehistro ng kanilang negosyo at hindi nagbabayad ng tamang buwis sa gobyerno.
- Latest