Luy, Tuason dadalo sa bail hearing ni Jinggoy
MANILA, Philippines – Aabot sa 24 testigo ang isasalang ng piskal, kabilang ang mga whistleblower na si Benhur Luy at Ruby Tuason, sa pagdinig ng Sandiganbayan sa motion for bail ni Senador Jinggoy Estrada.
Sa inihain ng Office of the Special Prosecutor na listahan sa 5th Division ng anti-graft court kabilang sina Luy at Tuason na sasalang sa witness stand.
Nais makapagpiyansa ni Estrada sa kasong plunder dahil aniya ay mahina naman ang ebidensya laban sa kanya.
Kasalukuyang nakakulong ang senador sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City.
Bukod sa mga testigo, maghahain din ng mga ebidensya ang mga piskal kabilang ang special audit report ng Commission on Audit, Special Allotment Release Orders noong 2008 at 2009, at ang Notice of Cash Allocations laban kay Estrada.
"The prosecution reserves the right to present additional documentary as well as testimonial evidence during the hearing on the petition for bail."
- Latest