^

Bansa

Mga Pinoy sa Afghanistan pinalilikas!

Ellen Fer­nando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding kaguluhan sa Afghanistan, idineklara kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level 3 upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Pinoy sa nasabing bansa.

Sa statement ng DFA, ipinatutupad na ang vo­luntary evacuation para sa mga Pinoy sa Afghanistan dahil sa paglala ng tensyon doon matapos ang pagdadaos ng presidential elections noong Hunyo 14.

Sa ilalim ng nasabing alerto, hinihimok ang mga Pinoy na boluntaryong lumikas at umuwi sa Pilipinas.

Pinatutupad din ng gobyerno ang total ban sa deployment o pagpapadala ng mga overseas Filipino workers sa nasa­bing bansa.

Patuloy na naka-monitor ang DFA sa political at security developments sa Afghanistan.

AFGHANISTAN

DAHIL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HUNYO

PATULOY

PILIPINAS

PINATUTUPAD

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with