^

Bansa

Mga Pinoy sa Japan pinag-iingat kay 'Florita'

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang embahada ng Pilipinas sa mga Pilipino na naninirahan sa Japan na maghanda sa epekto ng Super Typhoon "Florita."

Patungo na ng kanlurang bahagi ng Japan ang bagyo may international name na Neoguri at tinutumbok ang Okinawa at mga karatig na lugar.

"Sinasabi pong ito ang pinakamalakas na bagyong dadaan sa naturang lugar sa loob ng nakaraang labinlimang (15) taon," pahayag ng embahada ngayong Martes.

"Bigyang pansin at tumalima sa lahat ng paalala ng mga awtoridad at sundin ang kanilang mga direktiba at gabay. Manatili po tayong mapagmatyag at handa upang maiwasan ang pinsala na dala ng bagyo."

Ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), namataan si Florita sa 570 kilometers hilaga-silangan ng Basco, Batanes kaninang alas-7 ng umaga.

Taglay ng pang-anim na bagyo sa bansa ang lakas na 185 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 220 kph.

Gumagalaw pahilaga hilaga-kanluran ang bagyo sa bilis na 20 kph.

Patuloy na palalakasin ni Florita ang hanging habagat na magdadala ng katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malakas na buhos ng ulan na may pagkulog at pagkidlat.

AYON

BASCO

BATANES

BIGYANG

FLORITA

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

GUMAGALAW

MANATILI

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SUPER TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with