MANILA, Philippines - Nag-pull out na ang 300 tropa ng US Joint Special Operations Task Force (JSOTF) Philippines sa Mindanao. Sinabi ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na plano ng pamahalaan ng Amerika na bawasan na ang puwersa nito sa Pilipinas matapos ang matagumpay na mga operasyon laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na kaalyado ng mga ito sa paghahasik ng terorismo.
Mula sa dating 500 US troops na nakadeploy sa Mindanao ay nasa 200 na lamang ang mga ito ngayong Hunyo na karamihan ay nakabase sa Camp Navarro sa Zamboanga City.