^

Bansa

Suporta sa anti-trust law hingi

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang mahigit sa anim na milyon magsasaka at kanilang pamilya na suportahan ang hakbang para sa pagtatatag ng anti-trust law upang maprotektahan sila mula sa monopolya ng mga dayuhan mula sa multi-billion pisong industriya ng tabako.

Giit ni Barzaga, sa sandaling maratipikahan at maisabatas ay magbibigay ito ng magkakatulad na lebel sa mga negosyo sa mga katulad na industriya.

Dagdag pa ng kongresista na mayroon pitong panukala ang nasa House Committee on Rule para sa consolidation para sa paghahanda sa plenary debate.

Paliwanag pa ni Barzaga dapat suportahan ang panukala dahil layon nito na protektahan ang economic interest ng local Filipino producers tulad ng tobacco farmers at local tobacco companies na nakadepende lamang sa bawat isa upang magkaroon ng malinis at tapat na kita.

Kung wala umanong anti-trust law ay magbibigay daan lamang ito sa malalaking negosyante na manipulahin ang pres­yo, kontrolin ang supplies, diktahan ang budget ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis at matibay na lobbying power upang isulong ang kanilang economic interests.

Ayon naman kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo V. Umali, na siyang author ng sariling bersyon ng anti-trust law sa pamamagitan ng House Bill 4479, layunin nito na i-promote ang free at air competition upang magkaroon ng transpa­rency at fair pricing sa elektrisidad.

AYON

BARZAGA

CAVITE REP

DAGDAG

ELPIDIO BARZAGA JR.

HOUSE BILL

HOUSE COMMITTEE

ORIENTAL MINDORO REP

REYNALDO V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with