MANILA, Philippines — Abot sa P8.8 milyon ang ginastos ng gobyerno sa working visit ni Pangulong Benigno Aquino III sa Japan ngayong Martes, ayon sa Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Sinabi ng PCOO sa kanilang website na may 41-miyembro ang naging delegasyon na tumulak pa Tokyo kaninang umaga.
Ilan sa mga kasama ng Pangulo ay sina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, Defense Secretary Voltaire Gazmin, Finance Secretary Cesar Purisima at Budget Secretary Florencio Abad.
Sakop ng ginastos ang transportation, accommodation, food at equipment.
Nakipagpulong si Aquino kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung saan pinag-usapan nila ang ugnayan ng dalawang bansa.
Nagtungo rin ang Pangulo sa Hiroshima upang magbigay ng keynote address sa Consolidation for Peace for Mindanao Conference, na inayos ng Japan International Cooperation Agency (JICA) at ng Research and Education for Peace of the Universiti Sains Malaysia.