^

Bansa

Mga sumali sa protest caravan mananagot

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na papanagutin nila ang mga sumali sa protest caravan nitong Huwebes.

Ayon kay LTFRB exe­cutive director Atty. Ro­berto Cabrera, sa ngayon nangangalap pa rin sila ng mga impormasyon ukol sa mga responsable sa naganap na protesta, at sa sandaling matukoy nila ay saka gagawin ang kaukulang aksyon.

“Kinukumpleto pa natin dahil medyo nahihirapan kami sa ngayon na matukoy ang mga ito dahil pawang mga nakatakip ang mga plaka ng kanilang mga sasakyan.

Giit ni Cabrera, sa dami ng mga nagprotesta, marami sa mga commuters ang naperwisyo, pero nangako ito na matutukoy din nila ito sa sandaling makumpleto ang kanilang mga ebidensya.

Nauna nang sinabi ng LTFRB na posibleng patawan nila ng suspensyon o kanselasyon ng prangkisa ang mga nakiisa sa pro­testa depende sa naging partisipasyon ng mga ito.

Magugunitang, daan-daang pasahero ang naistranded dahil sa protest caravan nitong Huwebes hindi lamang sa Metro Manila, maging sa karatig probinsya.

AYON

CABRERA

GIIT

HUWEBES

KINUKUMPLETO

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MAGUGUNITANG

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with