Mosyon nina Enrile at Estrada submitted for resolution na
MANILA, Philippines - Resolusyon na lamang ang hinihintay ng Sandiganbayan sa mga inihaing mosyon nina Sen. Juan Ponce Enrile at Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng mga kasong plunder at graft sa multi-bilyong pork barrel scam.
Kahapon, dininig ng Third Division ang motion to dismiss at motion for judicial determination of probable cause ni Enrile.
Sabi ng mga abogado ng senador na sina Eleazar Reyes at Estelito Mendoza, masyado anyang makapal ang document evidence ng prosekusyon na umaabot sa 9,500 pahina kaya imposibleng madesisyunan agad kung may probable cause ang kaso ni Enrile.
Tinanggap naman ito ng prosekusyon at naghain na lamang ang mga ito ng omnibus reply at binanggit na may consolidated motion na sila.
Dahil dito, nagdesisÂyon ang Third Division na submitted for resolution na ang mga mosyon ni Enrile, gayundin ang mosyon ng iba pang akusado.
Samantala, tumagal lamang ng 10 minuto ang pagdinig sa motion for judicial determination of probable cause ni Estrada at iba pang akusado sa ilalim ng Fifth Division.
Hindi naman na pinaÂyagan ni Justice Roland Jurado na magkaroon ng oral arguments.
Sa hinihintay na resoÂlusyon, kung lumabas na may probable cause ang mga kaso laban kina Enrile at Estrada ay magpapalabas na rin ng arrest warrant laban sa kanila.
Nauna nang lumabas ang warrant of arrest laban kay Sen. Bong Revilla na sumuko naman na sa Sandiganbayan.
- Latest