MANILA, Philippines - Nakalusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang batas na naglalayong proteksiyunan ang mga consumers mula sa mga sinasabing “lemon†o mahinang klase ng mga sasakyan.
Ang Senate Bill 2211 na tatawaging Lemon Law kapag naÂging ganap na batas ay mula sa mga pinagsa-samang panukala nina Senators Cynthia Villar at Jinggoy Estrada, at co-author din si Sen. Koko Pimentel.
Si Sen. Bam Aquino, chair ng committee on Commerce and Entrepreneurship ang nagtanggol ng panukala sa plenaryo.
Nakasaad dito na ang mga bagong sasakyan ay dapat magkaroon ng warranty sa loob ng 12 buwan mula sa petsa ng bilhin ito o hanggang sa 20,000 kilometers ng operasyon depende kung alin ang mauna. Hindi bababa sa P100,000 multa ang ipapataw sa isang manufacturer, distributor o dealer na lalabag sa probisyon ng “resale disclosure†ng isang sasakyan.
Hindi sakop sa mga dahilan ng “non-conformity†ang hindi pagsunod ng consumer sa kanyang obligasyon sa ilalim ng warranty; modifications o hindi awtorisadong magsasaayos ng sasakyan ng hindi awtorisado ng manufacturer, distributor, authorized dealer o retailer; abuso sa paggamit o kapabayaan ng consumer sa bagong motor vehicle at damage dahil sa aksidente o kalamidad.