MANILA, Philippines - Posible umanong may kaugnayan sa election fever ang serye ng pamamaslang sa ilang alkalde ng iba’t ibang mga lalawigan sa gaganaping 2016 national election sa bansa.
Ayon kay PNP-PIO Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, epekto ng maagang pagsiklab ng ‘election fever’ ang nakikitang dahilan ng mga imbestigador sa pamamaslang kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr.
Si Balolong ay niratrat habang nag-iinspeksyon sa lugar na pagdarausan sana ng 25th wedding anniversary nila ng kanyang misis sa Brgy. Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan noong Hunyo 7.
Nasawi sa tinamong 22 tama ng bala ng M16 at cal. 45 pistol si Balolong, security escort nitong si PO1 Eliseo Ulanday at empleyadong si Edmund Meneses. Tatlo naman ang nasugatan sa insidente.
Bukod kay Balolong, napatay rin sa ambush si Laak, Compostela Valley Mayor Reynaldo Navarro na ikinasugat ng dalawa nitong escort na pulis at driver noong Mayo 28 sa Brgy. Sagayen, Asuncion, Davao del Norte.
Noong Hunyo 8 ay inamÂbush at nasawi rin si dating Mataas na Kahoy Mayor Arnulfo Rivera sa Brgy. CaliÂngatan sa kanilang bayan.
Aminado naman si Sindac na sadyang maaga ang pag-init ng pulitika sa bansa partikular na sa local level na karaniwan ng may pagdanak ng dugo.