^

Bansa

GSIS nagbigay ng extension sa Yolanda victims

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Government Service Insurance System (GSIS) ang “grace period” o ekstensyon ng pan­saman­talang hindi pagbabayad sa kanilang mga amortisasyon hanggang Nobyembre ngayong taon sa mga miyembro nilang biktima ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni GSIS President Robert Vergara na umaasa siya na habang hindi muna nagbabayad ng amortisasyon sa kanilang mga utang sa “Home Emergency Loan Program (HELP)”, tututok ang mga miyembro nila sa pagkukumpuni at muling pagtatayo ng kanilang mga nasirang tahanan upang makabalik sa normal nilang buhay.

Una nang naka-iskedyul na magbayad ng kanilang amortisasyon ngayong Hulyo ang mga umutang sa pamamagitan ng HELP.  Ngunit nakarating sa GSIS na marami sa mga umutang ay hindi pa ganap na nakakabawi buhat sa trahedyang tumama sa kanila ng bagyong Yolanda.  Dito nagdesisyon ang GSIS na palawigin pa ang “grace period” para sa kanila.

Una na ring nagbigay ng ekstensyon sa pagbabayad ng iba pang uri ng loans sa kanilang mga miyembro at pensioners ang GSIS hanggang Oktubre 2014 sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Yolanda.

Binuksan ng GSIS ang HELP window nitong Enero para tumulong sa pagbangon ng mga biktima ng Yolanda.  Ang mga miyembro na nasa pamahalaan ng 10 taon ay maaaring makautang ng hanggang P200,000 at ang mababa sa 10 taon ay maaaring umutang ng P100,000.

 

BINUKSAN

DITO

ENERO

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

HOME EMERGENCY LOAN PROGRAM

PRESIDENT ROBERT VERGARA

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with