Ibabandera kami sa SONA – Jinggoy
MANILA, Philippines - Malakas ang hinala ni Senator Jinggoy Estrada na ang pagsasampa ng kasong plunder laban sa kanya at kina Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla ay ibabandera sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Aquino sa susunod na buwan bilang accomplishment ng administrasyon.
Sinabi ni Estrada na hindi na siya nasorpresa sa desisyon ng Ombudsman na i-file ang kaso sa Sandiganbayan dahil lantaran na umanong sinabi ng Ombudsman noong nagsalita ito sa New York na mayroong probable cause sa tatlong senador.
Kumbinsido rin ang senador na minadali ang pagsasampa ng kaso.
Ipinagtataka nito na pagkabalik mula Estados Unidos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ilang araw lamang ay naisampa na agad ang kaso sa Sandiganbayan.
“Baka hinahabol nila na makulong kami bago mag-SONA si Presidente Aquino,†ani Estrada.
Bukod umano sa pagpapakulong sa kanilang tatlo, posibleng banggitin muli ang ginawang pagpapakulong ng Aquino administration kay dating Pangulong Gloria Arroyo.
“Siyempre ibabandera kaming tatlo. Napakulong namin ang isang presidente, tatlong senador sa kanilang anti-corruption drive,†ani Estrada.
Muli ring iginiit ni Estrada na hindi siya tatakas at kusang susuko kung kinakailangan.
“Ako naman kusa akong susuko. Sabihin lang nila kung saan nila ako gustong papuntahin. Madali akong kausapin. Kung sabihin ng pulis o ng sheriff ng Sandiganbayan, ‘Oy Senador, pumunta ka dito sa Sandigan o sa Camp Crame.’ Pupunta ako. ‘May warrant of arrest ka na’. Walang problema sa akin iyon. I will not evade arrest,†ani Estrada.
Wala ring problema kay Estrada kung sa Senado ito gagawin kahit pa ginaratiyahan ni Senate President Franklin Drilon na hindi ito gagawin sa sesyon bilang paggalang na rin sa mga senador.
Kung siya naman ang tatanungin, hndi na dapat pang ipiit si Senador Enrile, na kapwa akusado sa kasong plunder.
“S’yempre 90 years old na ‘yung tao, nakakaawa naman kahit papano. Sana huwag na nilang ikulong ‘yung matanda, Hayaan na nila kami makulong, huwag lang si Manong Johnny,†wika pa ni Jinggoy sa panayam sa DZMM.
- Latest