MANILA, Philippines - Naalarma ang Liga ng mga Barangay sa lungsod ng Pasay dahil sa paglobo umano ng “crime rate†sa lugar na sinasabing umabot sa mahigit 200 porsiyento.
Ayon kay Chairman Borbie Rivera ng Barangay 112, labis silang nababahala sa inilabas na report ng Pasay City Police hinggil sa napakataas na porsiyento ng crime rate rito.
Nais ng grupo na masolusyunan ang naturang problema at huwag na aniya itong lumala pa dahil higit aniyang apektado ang mga residente at magiÂging negatibo ang imahe ng lungsod sa publiko dahil maraming matatakot dito.
Handa aniya ang grupo na tumulong sa pulisya upang maresolba ang mga krimeng nagaganap sa kaniÂ-kanilang mga barangay.
Sakali aniyang hindi kaagad ito masolusyunan, ilang barangay chairman ang nagpa-planong magÂhain ng petisyon sa tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto para tanggalin sa pwesto ang kasalukuyang hepe ng Pasay City Police.
Base aniya sa record ng Pasay City Police, noong 2013 nasa 88% ang crime rate para sa “against person and against property†at ngayong 2014 ay umabot na ito sa 288%.
Sa pulong kahapon ng may 201 Bgy. chairmen sa Pasay City, idinaing nila ang umano’y mabagal na pag-aksiyon sa pagresolba ng krimen, mahinang police visibility at kakulangan ng pulis, na ilan lamang sa nakikita nilang dahilan nang paglobo ng krimen sa lungsod.
Katwiran naman umano ng ilang pulis ay kulang sila sa tao at walang gasolina ang mobile patrol car, kaya’t hindi kaagad nakakatugon sa hinihingi ng barangay at dumating man ang mga pulis ay tapos na ang krimen.
Binanggit din ng Liga na kapag nakakakuhuli ang barangay ng mga criminal sa kanilang nasaÂsakupan, pagdating sa pulis ay napapakawalan na umano ito.
Tulad aniya ng nangyari sa 11 miyembro ng “Spaghetti gang†nitong Pebrero, sumalakay ang mga ito sa ilang pawnshop at dumaan ang mga ito sa imburnal, na ayon sa mga barangay chairman, na maraming ebidensiya laban sa naturang grupo, subalit napalaya matapos ibasura ng piskalya ang kasong isinampa sa mga ito.
Dahil napakawalan ay muli na namang sumalakay ang grupo sa area ng P. Burgos St., kaya’t walang koneksiyon ngayon ang telepono at internet ng naturang lugar dahil pinagnanakaw ng nabanggit na grupo ang mga kable nito.