^

Bansa

Albay, kumilos agad para maiwasan ang krisis sa kuryente

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines – Mu­ling hiniling ni Albay Gov. Joey Salceda ang suporta ng mga national­ power industry players­ para maiwasan ang kri­sis sa kuryente rito ma­tapos malagutan ng hininga ang 33-taong 20-MVA transformer sa Bitano substation ng Albay Po­wer Energy Corporation (APEC) dito nitong nakaraang linggo.

Kaagad nakipag-ug­nayan si Salceda upang makabili ng dala­wang ba­gong 10-MVA transfor­mers para maiwasan ang krisis.

Ang APEC ay ang dating Albay Electric Co­operative (ALECO) na kinuha ng San Mi­guel­ Power Corporation noong nakaraang taon para ma­wakasan na ang lalong tumatambak na pagkaka­utang, mismanagement at pag­kalugi.

Naka-instila na nga­yon ang unang yunit sa Bitano substation na du­mating noong Lunes. Inaasahang may kur­yente na sa gabi ng Martes. Inaasahang Martes darating ang ikalawang yunit para maibalik agad ang normal na supply­ ng kuryente

Pansamantalang nagtalaga ng rotational brownout ang APEC para tiya­king lahat ay hindi maapi sa suplay ng kuryenteng meron. Pinasalamatan din ni Salceda ang APEC dahil sa mabilisang pagkilos nito.

Pinuna ni Salceda ang paulit-ulit na bugso ng demand sa kuryente dulot ng lumalagong eko­nomiya ng lalawigan at patuloy na pagdagsa ng mga turista.

ALBAY ELECTRIC CO

ALBAY GOV

ALBAY PO

BITANO

ENERGY CORPORATION

INAASAHANG MARTES

JOEY SALCEDA

SALCEDA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with